“Kapayapaan, nasaan ang kapayapaan sa ating nasyon, ating tahanan at lalo na sa ating puso at isipan?” Ito ang naghihingalong daing na umaalingawngaw mula pa sa kapanahunan. Ito rin ba ang daing ng iyong puso, mahal na bumabasa? Sa gitna ng dumaraming kawalang-kasiyahanat kaguluhan, ninanais mo ba ang katahimikan ng kalooban na nakakahigit sa lahat?
Ang walang katapusang pagganap upang gawin ang mundo na di-mapanganib at mabuting tirahan ay nagbigay ng lalong magusot at di maunawaang buhay. Kailangan natin ang direksiyon, taga-payo, kapanatagan at pananalig. Kailangan natin ang kapayapaan ng isip. Ang kapayapaan ng isip ay isa sa pinakamalaking kayamanang puedeng ariin. Kung tayo’y titigil sa buhay ng kabiguan at pagkabagabag at magsisimulang mabuhay sa katiwasayan at katahimikan, ay makakamtan natin ang isa sa mga magagandang hiyas ng kaligayahan. Kapayapaan ng loob ay nagbibigay ng pagkakontento, kasiglahan, at pinagmumulan ng lakas ng ating mga sarili.
Ang kayamanan bang ito ay matatagpuan sa daigdig na puno ng labanan at kawalang pagasa, daigdig na magulo at mabahala? Maraming naghahanap ng kapayapaan ng isip, sa kabantugan, kapalaran, katuwaan, kakayahan, edukasyon, at pag-aasawa. Ang kanilang ulo ay puno ng kayamanan, ngunit ang kaluluwa ay walang laman. Ang iba ay naghahanap ng para-an upang makatakas sa kalikasan ng buhay sa pamamagitan ng gamot at paglalasing, ngunit ang hanap nilang kapayapaan ay umiiwas sa kanila. Sa kanilang paghahanap ay nadadala lamang sila sa mabisyong “ikot ng pagkabigo.” at walang saysay. Malungkot at nasa magulong daigdig at isipan pa rin.
Ang susi sa paghahanap at ang lihim nito ay: “Magkakaroon tayo ng kapayapaang pangkalooban ngunit dapat tayong tumingin sa loob.” Naghahanap tayo sa mga lugar at kalagayan, ngunit ang looban ay napapabayaan nating tignan, sapagkat natatakot tayo sa ating madidiskubre. Ibinibintang natin sa magulong daigdig ang ating magulong isipan, ngunit nasa loob ng ating puso ang sagot sa ating suliranin. Doon ang dapat pagmulan ng lunas.
Ginawa tayo ng Dios na may buhay na kaluluwa na kabahagi sa Kaniya. Ang bahaging ito ay nasasabik makisama sa gumawa sa kanya, “Kung papanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis, Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, o Dios, ang buhay na Dios” (Awit 42:1-2). Ang buhay na Salita ang siyang makapagbibigay kasiyahan sa buhay ng tao. Kailanman ay di ka magkakaroon ng kapayapaan hanggat di ka nakapayapa sa Dios.
Ang kaluluwa natin ay nasasabik sa Dios ngunit ang ating makasalanang ugali ay madalas lumalaban sa kagustuhan Niya. Ang bahagi nating nasasabik sa Dios at ang bahaging umaabot sa kagustuhan ng laman, ang walang-tigil na naglalaban sa ating puso, na nagiging sanhi ng labis na pagkahapis. Tayo ay parang maunos na dagat, sapagkat hindi maaaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi” (Isaias 57:20). Wala tayong kapayapaan hanggat lahat ng bahagi ng ating buhay, isipan, katawan at espiritu ay inayos ng ating Tagapaglikha na siyang nakauunawa sa atin. Siya ay di lamang Panginoon ng daigdig, alam Niya ang buhay mo at ang akin mula sa umpisa at katapusan. Nasa isipan Niya tayo nang Siya’y pumarito sa daigdig “Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang ituwid ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan” (Lucas 1:79). Bilang Prinsipe ng Kapayapaan, inaanyayahan Niya tayong lumapit sa Kaniya. “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin” (kapayapaan ng isip). Kung tayo’y paparoon sa Kaniya matatagpuan natin ang ginhawa at kapahingahan sa ibibigay Niyang kalayaan. Ang kapayapaan natin ay magiging parang ilog (Isaias 48:18) na masigla, maningning, nakasasariwa, at malakas.; ang kapayapaan na di masayod ng pagiisip (Filipos 4:7). Paparoon ka ba sa Kaniya? “Ilagay mo sa Kaniya ang iyong pasanin at pakinggang muli, “Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo: ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo... Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man” (Juan 14:27).
Nilikha ng Dios ang tao at inilagay sa magandang halamanan upang magtamasa ng kapayapaan, kaluguran at kaligayahan. Ngunit nang si Adan at si Eva ay sumuway, ay agad silang nahampas ng pagkakasala. Bago ito ay nasasabik sila sa pagdalo ng Dios ngunit sa pagkakasala nila ay nagtago sila sa kanilang hiya. Pagkakasala at takot ang pumalit sa kapayapaan at kaligayahan na nasa kanila. Dito nagumpisa ang magulong daigdig at isipan.
Sinasabi ng Biblia na ang kasalanan ng pagkamasuwayin ay nasa sa atin. “Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw” (Isaias 53:6). “Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios” (Roma 3:23). Pagkakasala, takot, pagkagalit, sama ng loob, pagkamakasarili at iba pang salungat na simbuyo ay sumasalot sa atin saan man tayo pumaroon. Nakapagbibigay ng kapaguran at pagkasaid sa isip. Anong kapasalamatan natin na si Jesus ay pumarito sa sanglibutan “hindi upang hatulan ang sanglibutan, kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya” (Juan 3:17). Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan” (Juan 3:16). Pumarito Siya upang magkaroon tayo ng kapayapaan (Juan 16:33).
Ang pagkamakasarili ay nasa ugat ng unang pagsuway ng tao at isa sa mga masasamang hilig na nagbibigay ng pagkawalang pagasa at hapdi sa puso. Kung tayo’y naging lubog sa sarili nating kagustuhan, mithiin at suliranin, tayo’y nagiging balisa at mainipin. Habang tayo’y lubog sa sarili nating kagustuhan, lalo tayong nagiging magambala.
Sa halip na ang ating sarili ang ating pangunahin sa buhay, kailangan tayong lumingon sa Dios at gawing Siya ang pangunahing layunin sa buhay. Kung hindi Siya ang pangunahin sa ating buhay ay madali tayong mabibiktima ng walang kabuluhang pagkabalisa, pagkahabag sa sarili, at pangamba. Kung ang Dios ang siyang gitna, lahat ng sulok ng ating buhay ay magiging buo at kahalahalagang buhay. Ang pusong nakagitna ang Dios, ang siya lamang laging matibay at mapayapa.
Ang sabi ng umaawit “Ang aking puso ay matatag, O Dios, ang aking puso ay matatag, Ako’y aawit ng mga pagpupuri”. Sa kaniyang buong pagtitiwala sa Dios, siya’y nagagalak sa katahimikan ng isip. Kung ang puso natin ay nakatatag sa Dios, magkakaroon tayo ng kapayapaan ng kalooban kahit sa gitna ng kaguluhan. Maaaring “sa magkabila ay nangagigipit kami; gayon may hindi nangaghihinagpis: nangatitilihan, gayon may hindi nangawawalan ng pagasa” (2 Cor.4:8).
Noong sinabi ni Jesus “Tumanggi sa kaniyang sarili at sumunod sa akin” inaanyayahan Niya ang lahat sa malaking karanasan na maibibigay ng buhay. Tanggapin ang Kaniyang paghamon, “Sumunod sa akin” at magkakaroon ka ng ilaw sa kadiliman, tiwala sa pagaalinlangan, kayamanan sa karukhaan, lugod sa pighati, pahinga sa kapagalan, pagasa sa kabiguan at buhay sa kamatayan.
Gaya ng una nating magulang, kung hindi tayo nakatono sa Dios, takot at kabalisahan ay madaling lulukob sa atin. Kung ang pansin natin ay nakasentro sa mga walang katiyakan sa buhay, sa nagbabago at nasisirang daigdig, ang katiwasayan at pagtitiwala natin ay mayayanig at ang kapayapaan natin ay magagambala.
Ang pananampalataya at pagtitiwala ay siyang lunas sa takot at pagkabalisa. Anong pagpapahinga ang magtiwala sa Dios na Siyang nagmula sa walang hanggan; kaibigang di nagbabago. Ang kaibigang ito ay laging nagaalala at nagmamahal sa atin; kaya bakit tayo mababagabag o aiinip? Masanay tayong magpahingalay sa Panginoon “Na inyong ilagak sa Kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat kayo’y ipinagmamalasakit Niya.” May kapayapaan pagkatapos ng paglalaban kaya bakit di tayo tumigil at magtiwala sa Panginoon? Tandaan: kapag ika’y nagtitiwala, di ka mababagabag, kapag ika’y nababagabag; di ka nagtitiwala. “Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasaiyo: sapagkat siya’y tumitiwala sa iyo” (Isaias 26:3).
Ang pagkagalit ay lason na numanakaw sa kapayapaan ng isipan tungo sa kabiguan at kawalang pagasa. Mahirap magpatawad sa mga nakagawa ng pagkakamali sa atin ngunit dapat nating patawarin, kung nais nating mapatawad. “Datapuwat kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay di rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama sa inyong mga kasalanan” (Mateo 6:15). Ialis mo sa iyong isipan ang pagkagalit at puspusin mo ng pagmamahal at pagkahabag kung nais mong matamo ang kapatawaran at katiwasayan.
Maaaring nadarama mo ang bigat ng nakalipas na kasalanan na parang higit at labis sa iyong makakaya. Kung ito’y totoo, ikaw ay naghihirap ng walang kabuluhan. “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan” (1 Juan 1:9). At tayo’y magkakaroon ng kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo (Rom. 5:1).
Si haring David ay nagkasala at nagtiis sa pagpapahirap ng sala, ngunit ikinumpisal niya at nakamit niya ang kapatawaran. Ipinaubaya niya sa Dakilang Manggagamot ang lungs sa pamamagitan ng pagsisisi, pagkumpisal at kapatawaran. Sa 23 ng mga Awit ipinahayag niya ang kaniyang pagtitiwala sa Dios at maliwanag ang pagkasabi niya tungkol sa kapayapaan na kaniyang naranasan. Ang kapayapaan at kapisanan para sa sinumang may mabuting kaugnayan sa Pastor.
1. Ang Panginoon ay aking Pastor, hindi ako mangangailangan. Ito ang mabuting Pastor na siyang nagbigay kay David ng kapayapaan at buong kasiyahan. Gayon din kung ating “hahahapin muna ang kaharian ng Dios” ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa atin, lahat ng pangangailangan natin ay masasagot.
2.Ginawa Niya tayong mapayapa sa magulong daigdig. Pinapatnubayan Niya tayo sa katahimikan ng pagmamahal Niya.
3.Dito naalala ni David ang panahon ng pagkakagulo ng kaniyang isipan dahil sa kasalanan. Pinatawad siya ng mabuting Pastor at ibinalik sa kaniya ang kaligayahan at kapayapaan.
4.Kahit na tayo masagi ng bagyo sa buhay, at kaguluhan ay dumidilim sa atin, wala tayong katatakutang kasamaan; sapagkat ang Dios ay nasa sa atin, nagliligtas, kumukupkop, at nagbibigay.
5.Anong buting Pastor na nagbibigay ng Kaniyang kabutihan sa atin sa harap ng ating kaaway!
6.Anong laking kaligtasan ng mga tupa sa Pastor niya!
Kilala mo ba ang Pastor na ito? Naniniwala at nagtitiwala ka ba sa Kaniya? Gaya ng sabi ni Isaias “Kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang mga kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan.” Nais mo bang magkaroon ng katiwasayan sa walang hanggang kamay ng Dios? Handa ka bang magtiwala sa Kaniya sa iyong mga nakaraang kasalanan, sa kasalukuyan mong tukso, sa panghinaharap na takot at isuko ang buong sarili sa Kaniya? Ang pagpili ay nasa sa iyo at may kakayahan kang gawin ito.
Kung paparoon ka kay Cristo Jesus ng buong puso, ang paghahanap mo ng kapayapaan sa isipan ay matatapos. Ibibigay Niya sa iyo ang kapayapaan, at ang kahinahunan na manggagaling lamang sa pagtitiwala sa Kaniya. Masasabi mong gaya ng manunula:
Alam ko ang kapayapaan sa walang pagkapayapa,
ang kahinahunan sa di mapigil na simoy ng hangin,
ang lihim na lugar na doon makikita ko at makakasama ko ang aking Panginoon.
Ralph Spalding Cushman
Magkakaroon ka ng kapayapaan ng isipan sa magulong daigdig! Buksan mo ang pinto ng iyong puso kay Cristo ngayon at Kaniyang bubuksan ang pintuan ng langit pars sa iyo pagdating ng araw-na doo`y ang buong kapayapaan ang maghahari ng walang katapusan.