Mahal na kaluluwa: Alam mo ba na ikaw ay napatunayang makasalanan sa paningin ng Dios at nahatulang mamatay? Upang makatakas sa ganitong walang hanggang kamatayan at magtamo ng kaligtasan, kinakailangang tanggapin mo ang tulong at habag ng Dios. Ngunit ito’y hindi basta-basta ibinibigay ng walang kundisyon, bagaman ang kaligtasan ay walang bayad at kailanman ay di maaaring bilhin. Ang kundisyong ito ay natitiyak sa isang salita: Pagsisisi.
Ang mensahe ni Juan Bautista, sa pangangaral ng Salita ng Dios bagaman payak ay makapangyarihan. “Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang kaharian ng langit” (Mat. 3:27). Si Jesus na Anak ng Dios, sa Kanyang ministeryo, ay nagpasimula rin sa ganitong mensahe: “Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang kaharian ng langit” (Mat. 4:17). Ang pagsisisi ay kailangan sa kaligtasan, katulad ng sinabi ni apostol Pablo, “Kays nga mangagsisi kayo, at mangagbalik loob, upang mgapawi ang inyong mga kasalanan, . . . “ (Gawa 3:19). Ang pagsisisi ay tulad ng isang pintuang kinakailangang buksan upang dumaloy ang awa na nagbibigay daan sa kaligtasan.
Sinasabi ng Biblia na walang pagkakaiba ang lahat ng tao. “Sapagkat ang LAHAT ay naugagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios” (Roma 3:23). “WALANG matuwid, wala, wala kahit isa” (Roma 3:10). Ang Dios ay nagsalita sa pamamagitan ng propeta Isaias at nagwika, “Tayong LAHAT na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo at tumungo bawa’t isa sa kaniyang sariling daan” (Isa. 53:6). Pansinin mo ang pinakabuod ng mga kasulatang ito. “LAHAT ay naligaw.” “WALANG matuwid.” “LAHAT ay nagkasala.” Mahal na mambabasa, hindi ba ikaw ay isa rin dito? Ang iyong buhay at kaluluwa ay sa Dios. Ang sinuman, lalaki o babae, bata man o matanda, na hindi kumikilala sa Dios bilang Panginoon ng kaniyang buhay ay nasa pagsuway at kasalanan. “Ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay” (Ezek. 18:4).
Ang mga kasalanan mo ang siyang naghiwalay sa iyo sa Dios. Nakadarama ka sa iyong kalooban ng pagnanasang hindi mo maipaliwanag. Maaaring nadarama mo na ikaw ay pinabayaan at hindi dinirinig ng Dios. Ang dahilan ay itinuturo rin ng Dios, “Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas: ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig. Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kanyang mukha sa inyo, upang siya’y huwag makinig” (Isa. 59:1-2). “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan . . .” (Roma 6:23). Ituon mo ang iyong isipan sa Dios habang iniisip mo ang iyong buhay at kasalanan. Ang Dios ay walang sala, samakatwid Siya ay Banal, matuwid at tapat. Kaniyang sinabi na ang kasalanan ay dapat hatulan: “Sapagkat dadalhin ng Dios ang bawat gawa sa kahatulan, pati ang bawat kubling bagay, maging ito’y mabuti o maging ito’y masama” (Ecl. 12:14). Mayroong isang malaking agwat na namamagitan sa iyo at sa Dios, at malibang masumpungan mo ang daang maglalapit sa makasalanang tao at banal na Dios, ay mamamatay ka ng walang hanggang kamatayan! (Lucas 16:26). Oo, ngunit mayroong pag-asa para sa iyo!
Bagaman ang Dios ay nagpahayag ng kahatulan sa kasalanan, Siya ay Dios rin naman ng pag-ibig. “Ang Dios ay Pag-ibig” (1 Juan 4:16). Iniibig ka ng Dios, kaibigan, kahit na ikaw ay nabubuhay sa kasalanan. Ang Kanyang pag-ibig ang nagbigay daan upang ikaw ay maligtas. (Juan 3:16). Ang Dios ay maggagawad ng hatol sa makasalanan. Tunay na hindi Niya nais na mapahamak ang sinuman kaya’t isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesus upang akuin ang kabayaran ng ating mga kasalanan upang tayo ay magkaroon ng buhay. Sinasabi ng kasulatan: “Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios” (Roma 11:22). Ang kabutihan ng Dios ay nagnanais na iligtas ang tao, ngunit ang Kanyang katarungan ay humihingi ng kaparusahan.
Si Jesus ay pumarito upang tubusin ang ating mga kaluluwa. Pinatunayan ng Dios ang Kanyang pag-ibig sa atin ng Kanyang ipaako kay Jesus ang ating mga kasalanan na ang kabayaran ay kamatayan. Masdan ang Kanyang kabutihan! Si Jesus ang tumanggap ng kaparusahan — Siya ang naging kabayaran ng ating mga kasalanan. Tiniis Niya ang kirot at paghihirap sa loob ng anim na oras hanggang sa mabayaran ang ating mga kasalanan at Siya ay namatay.
Mahal na bumabasa, si Jesus ay namatay dahil sa iyong mga kasalanan. Sino ang talagang nagpako kay Jesus? Ang mga Hudio ba? Si Pilato? Ang mga sundalong Romano? Tuwirang ipinangaral ni apostol Pablo sa karamihan na, “Siya (Jesus), na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, KAYO sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay” (Gawa 2:23).
Mahal na kaluluwa, tumingin ka kay Jesus. Aminin mo ang iyong pagkakasala at pakikibahagi sa Kanyang kamatayan. Ang tunay na pagsisisi ay nagsisimula habang binubulay-bulay mo sa iyong puso ang ganoong kasindak-sindak na tagpo. Sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, mauunawaan mo na ikaw ang dapat mamatay at hindi si Jesus! Isipin lamang na tayo ay naging dahilan ng kamatayan ng isang nilalang ay isa nang kahindik-hindik na bagay — higit pa kung ito mismo ang Anak ng Dios! Isipin mo ang kahatulan ng Dios na ibinuhos kay Jesus. Humingi ka ng tawad. “Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan” (Lucas 18:13). Ito ang unang hakbang sa pagsisisi — pagtalikod sa dating landas ng kasalanan patungo sa landas ng Dios. Ang taong hinugasan at nilinis na ay tumatalikod na sa kanyang masasamang gawi at tumutungo sa mga makalangit na bagay. Ito ang gawa ng pagsisisi na inilalagay ng Dios sa puso ng mga sa Kanya’y nagsisilapit. Malibang magsisi ang tao, hindi siya makararanas ng kapayapaan, kaligayahan, at katiwasayan. At malibang maranasan niyang kasama ni Jesus ang kirot at paghihirap ng Getsemani, hindi niya mararanasan ang galak ng pagkabuhay na muli.
Ang pagsisisi ay nagbubunga ng taimtim na pasasalamat at katapatan kay Cristo at sa kalooban ng Dios. Nang tayo ay nahatulang mamatay at wala ng pag-asang makalaya pa, sinabi ni Cristo, “Magsiparito sa akin, at kayo’y aking papagpapahingahin” (Mat. 11:28). “Tayo’y nagsisiibig, sapagkat siya’y unang umibig sa atin” (1 Juan 4:19).
Ipinamimigay—Hindi Pinagbibili