Nang pasimula walang anyo ang sanlibutan.
Walang isda.
Walang mga bituin sa kalawakan.
Walang dagat at magagandang bulaklak.
Ang lahat ay hungkag at kadiliman.
Subali’t mayroong Diyos, yaon ding Diyos na ating sinasamba ngayon.
Ang Diyos ay mayroong kahanga-hangang balak. Inisip Niya ang isang magandang sanlibutan, at samantalang naisip Niya ay ginawa Niyang ganoon. Ginawa Niya ang lahat mula sa wala. Nang gawin ng Diyos ang anoman, binigkas lang Niya, “Magkaroon”, at nagkaroon nga.
Ginawa Niya ang liwanag, Ginawa Niya ang mga ilog at mga dagat, ang damo na bumabalot sa lupa, mga hayop, mga ibon, at mga punongkahoy.
Huh sa lahat ay nilalang Niya ang taong lalaki at pagkatapos ay lumalang siya ng isang babae para sa lalake, At Kanyang pinanganlang Adan at Eba.
Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa kanila, Bawa’t gabi’y dinadalaw Niya sila sa magandang halamanan na kanilang pinanahanan.
Ang buong halamanan ay sa kanila upang tamasahin maliban sa isang punongkahoy, na ipinagbabawal sa kanila na Diyos.
Sina Adan at Eba ay maligaya, hanggang isang araw ang kaaway ng Diyos na si Satanas, ay tinukso sila. Sila’y nagpasyang tikman ang bunga ng punongkahoy na ipinagbabawal ng Diyos. Sila’y nagkasala at sila’y nakadama ng unang pagkahiya at kalungkutan.
Hindi na nila makausap ang Diyos. Nga-yon, nakadama sila ng sakit at kaguluhan. At sila’y mamamatay. Anong laking pagsisisi nila! Pagkatapos ang Diyos ay nangakong tutulungan sila. At sa kanila’y sinabi Niya. “Pag ang takdang panahon ay dumating, ak ing isusugo ang Aking Anak na si Jesus sa sanlibutan. Siya ay bababa mula sa arcing tahanan sa langit. Kaniyang aalisin ang inyong mga kasalanan. Upang magawa Niya ito, Siya ay maghihirap at mamamatay dahil sa inyo.” Anong galak nila na ang Diyos ay magsusugo ng Tagapagligatas!
Sina Adan at Eba ay nagkaroon ng anak at mga apo. Habang turnatagal ay nagkaroon ng maraming tao sa daigdig.
Ibig ng Diyos na ang bawa’t isa ay maging maligaya. Sinabi Niya ang bawa’t gagawin. Narito ang nakasulat na alituntunin na ibinigay ng Diyos sa kanila:
1. Huwag kang magkakaroon ng ibang Diyos sa harapan ko.
2. Huwag kang gagawa ng larawang inanyuan upang sambahin.
3. Huwag mong babanggitin sa walang kabuluhan ang pangalan ng Diyos.
4. Ingatan mong banal ang araw ng Kapahingahan.
5. Igalang mo ang iyong ama at ina.
6. Huwag kang papatay sa sinuman.
7. Huwag kang mamumuhay sa karumihan.
8. Huwag kang magnanakaw.
9. Huwag kang magsisinungaling.
10. Huwag kang magnanasa o kukuha ng pag-aari ng iba.
Ang mga ito’y nakasulat sa Banal na Kasulatan at ating mababasa. Kung ating susundin ang mga ito, tayo’y magiging maligaya.
Hindi nais ni Satanas na tayo’y sumunod sa mga alituntuning ito. Kung minsan ay sinasabi niyang nakawain natin ang isang bagay kung walang nakakakita. Subali’t yaon ay batid ng Diyos. Nakikita ng Diyos ang lahat. Kung minsan tinutukso tayo ni Satanas na tayo’y magsinungaling at ipinaiisip niya na walang makakabatid Niyaon. Subali’t alam nito ng Diyos. Naririnig Niya ang lahat.
Kung gagawin natin ang mga bagay na ito ay makakadama tayo ng kasamaan sa ating kalooban. Iniibig tayo ng Diyos at nais Niya tayong tulungan na maging mabuti. Kaya nga, ibinigay Niya si Jesus sa sanglibutan. Na-alaala ng Diyos ang Kaniyang pangako.
Pagkaraan ng maraming taon, Si Jesus ay ipinanganak gaya ng isang maliit na sanggol. Siya ay lumaki at naging isang ganap na tao.
Gumawa Siya ng maraming mga kahanga-hangang bagay. Nagpagaling Siya ng maraming mga maysakit. Ginawa Niyang makakita ang bulag. Pinagpala Niya ang mga bata.
Si Jesus ay hindi gumawa ng anumang kamalian. Isinaysay Niya sa mga tao ang tungkol sa Diyos at kung paano ang pagsunod sa Kaniya.
Subali’t si Jesus ay ipinako sa krus ng Kaniyang mga ka-away. Siya ay nagtiis ng hirap at namatay. Namatay Siya dahil sa kasalanan ng lahat ng mga tao, kahit yaong mga nagpako sa Kaniya sa krus.
Si Jesus ay inilibing. Subali’t isang kahan-ga-hangang bagay ang naganap. Siya’y hindi nanatili sa libingan. Siya’y bumangong muli sa mga patay.
Hindi nagluwat muli Siyang kinuha ng Diyos at ibinalik sa langit. Samantalang ang Kaniyang mga kaibigan ay nakatingin sa Kaniyang paglisan, isang anghel ang nagsabi sa kanila na si Jesus ay muling babalik.
Si Jesus ay namatay din sa ating mga kasalanan. Siya’y handang magpatawad sa atin.
Tayo’y makakapanalangin sa Diyos anu
mang oras. Didinggin Niya and bawa’t salita at nalalaman Niya ang bawa’t pag-iisip. Nadadama natin ang kaligayahan kung ang ating mga kasalanan ay pinatawad na. Pagkatapos ay nail nating gawin ang mabuti at ibig nating maging mabait.
Kung pipiliin natin ang pagsuay sa Diyos at susunod kay Satanas na Diyablo, itataboy niya tayo sa bob ng impierno pagka matay natin. Ang impierno ay dako ng apoy na nagniningas magpakaylan man.
Subali’t kung tayo ay umiibig at sumusunod kay Jesus, tayo ay Kaniyang dadalahin sa langit sa Kaniyang pagbabalik! Ang langit ay isang napakagandang tahanan ng Diyos at ng Kaniyang Anak na Si Jesus. Ito ay tahanan ng pag-ibig at kaliwanagan. Doon tayo ay laging maligaya.
Ipinamimigay—Hindi Pinagbibili