Juan 10:1-18
Nakarinig ka na ba na may tumatawag sa iyong pangalan at hindi mo alam kung saan nanggagaling ang tinig? O baka bahagya mo lang narinig dahil lubhang napakaingay ng iyong paligid.
Makinig, may tinig na tumatawag sa iyo. lKAW!
Sino ka? Ano ang pangalan mo? Saan ka nanggaling? Saan ka nakatira? Saan ka pupunta?
Alam mo ang pangalan ng iyong nayon. Marahil ay hindi ka pa nakarating kahit saan. Subali't alam mo na ang inyong nayon ay bahagi ng malaking bansa, at ang lahat ng mga bansa ay bahagi ng malaking daigdig.
Ang Biblia
Humigit kumulang na ng 6,000 taon mula ng gawin ang mundo. Ito ay ginawa ng Diyos. Ang Diyos ay may aklat na tinatawag na Biblia, na nagsasalaysay kung paano Niya ginawa ito at kung paano Niya nilikha ang unang lalaki at babae. Ginawa ng Diyos ang tao na katulad sa Kaniyang anyo.
At mula noon ay isinilang ang mga bata At mula noon ay maraming tao ang nangamatay. Libu-libong tao ang ipinanganak at namatay.
lsinilang ka sa iyong ama at ina. Subali't ang Diyos ang talagang gumawa sa iyo. Ginawa Niya ang lahat. Naisip mo na ba kung gaano kamangha-mangha ang pagkagawa ng Diyos sa lahat at kung paano ka Niya ginawa?
Ang iyong mga magulang ay nagbigay sa iyo ng pangalan. Alam ng Diyos ang iyong pangalan. Alam Niya ang bawa't pangalan, maski sa anong wika pa man. Alam Niya ang lahat.
Palibhasa'y ginawa tayo ng Diyos, alam Niya ang lahat tungkol sa atin. Siya'y nagmamahal sa atin dahil sa tayo'y sa Kaniya. Siya ang ating Ama sa Langit, at minamahal Niya tayo ng higit pa sa pagmamahal ng ating sariling ama at ina.
Ang Diyos
Ang Diyos ay walang simula. Nabubuhay Siya ng walang hanggan. Kaya ng ibigay Niya sa atin ang Kaniyang hininga'y nakapagpabuhay din ito sa atin magpakailanman. Hindi, hindi ang ating katawan, dahil ito'y namamatay, kundi ang kaluluwa na nasa loob natin ang nabubuhay magpakailanman.
Kilala mo ba ang Diyos? Marahil ay itinatanong mo, “Sino ang Diyos? Nasaan Siya?”
Talaga bang ibig mong malaman? Oo, gusto mo. Sa kaibuturan mo ay gusto mong malaman.
Kailan ma'y hindi mo pa nakita ang Diyos, hindi ba? Hindi, subali't hindi iyon nangangahulugan na wala Siya.
Iisa lamang ang Diyos. Walang lugar para sa iba pa, dahil sa ang lisang ito ay ang talagang Diyos na pumupuno sa Langit at lupa. Siya ay nasa lahat ng dako sa parehong oras.
Ang tahanan ng Diyos ay ang Langit, ang magandang lugar na nasa kaitaasan, subali't nananahanan din Siya sa puso ng mga taong sumusunod sa Kaniyang tinig.
Paano ako matututong kumilala sa Diyos? Ito ba ang katanungang itinatanong mo? Ang Diyos ay may kahanga-hangang balak na magtuturo sa atin kung paano.
Ipinadala ng Diyos ang Kaniyang tanging Anak, si Jesus mula sa Langit upang ipakilala sa tao kung sino Siya at kung ano ang katulad Niya. Ang Diyos at si Jesus ay magkaisa.
Dahil sa isang himala, ang Anak ng Diyos ay ipinanganak na isang bata at lumaki tulad sa isang tao. At sa tatlong taon, ikinuwento ni Jesus ang pag-ibig ng Diyos, ng Kaniyang Ama. Sinabi Niya sa kanila na ang Diyos ay banal at hindi Niya kayang tumingin ng kasalanan.
At gumawa ng paraan ang Diyos para sa atin upang maligtas mula sa ating mga kasalanan. Ipinaubaya Niya ang Kaniyang Anak na si Jesus na ipako sa krus ng mga masasamang tao. Ibinigay Niya ang Kaniyang buhay – pagkadakila ng Kaniyang pag-ibig!
Siya ang sakripisyo na makababayad sa mga kasalanan ng buong daigdig – lahat ng kasalanan na iyong nagawa, lahat ng kasalanan ng bawa't batang lalaki at babae, at ng mga taong lalaki o babae.
Si Jesus ba ay nanatili sa krus? Nanatili ba Siya sa libingan? Hindi, pagkatapos ng tatlong araw Siya'y matagumpay na bumangon. At Siya'y bumalik sa Langit at naghihintay hanggang sa sabihin ng Diyos na ang daigdig ay matatapos na. At Siya'y magiging makatarungang Hukom ng lahat ng tao.
Mayroon ka bang ebanghelyo ni Juan? Basahin mo ang kapitulo 10. Isinulat ni Juan ang mga sinabi ni Jesus sa mga tao. Ang Kaniyang mga sinabi noon ay para pa rin sa atin ngayon. Sinabi ni Jesus na Siya ang Mabuting Pastor at ibinigay Niya ang Kaniyang buhay para sa mga karnero. Tayo ang mga tupa. Ang Kaniyang mga tupa ay nakakikilala sa Kaniyang tinig. Sila'y tinatawag Niya sa kanikanilang mga pangalan. Ang estranghero ay hindi nila susundin.
Ang Estranghero, Ang Ibang Tinig
Sino ang estranghero, ang dapat nating iwasan? O, siya'y magnanakaw! Wala siyang pagtingin sa mga tupa. Siya ay sinungaling. Walang katotohanan sa kaniya. Siya ang diyablo. Siya ang ating kaaway, si Satanas.
Nguni't una, siya ang kaaway ng Diyos. Isa siyang dating anghel na kasama ng Panginoon sa Langit. Subali't siya'y nagmalaki at itinaas niya ang kaniyang sarili higit sa Diyos. Nakipaglaban siya sa Diyos at maraming anghel ang sumapi sa kaniya. Ang Diyos ang nagwagi, dahil sa Kaniya ang lahat ng kapangyarihan. Kaya itinaboy Niya si Satanas at lahat ng kaniyang mga tagasunod sa labas ng Langit. Dahil dito'y kinamumuhian ni Satanas ang Diyos.
Palibhasa'y hindi na siya muling makalalapit sa Diyos, ibinuhos niya ang kaniyang galit sa Kaniyang mga nilikha, ang mga tao sa mundo. Dahil nagkasala siya, kaya inaakit niya ang bawa't isa sa kasalanan. Kailanma'y hindi na muling makapapasok ang kasalanan sa Langit.
Mayroon ibang lugar, ang lugar na ginawa ng Diyos para sa diyabJo at kaniyang mga anghel. Ito ang impiyerno. Ang impiyerno ay lugar ng pagpapahirap. Ito ay nagbabagang apoy na hindi mamamatay. Ito ang lugar na kung saan ang diyabJo at ang kaniyang mga alagad ay parurusahan ng magpawalang hanggan. Ito ay kalagim-lagim na lugar kung saan tayo'y ipadadala ng Diyos kung pipiliin nating makinig sa tinig ni Satanas.
Ayaw ni Satanas na tayo'y mag-isip ng impiyerno. Ayaw niyang isipin natin ang Diyos. Kaya ibig niyang agawin ang ating atensiyon mula sa Panginoon. Sinisikap ni Satanas na ating pakinggan ang kaniyang tinig.
Sa loob mo mismo, narinig mo na ba ang ibang tinig, ang tinig ng estranghero?
Minsan tayo'y pinapapaniwala niyang may magagandang bagay siyang maiaalok sa atin. Minsan ay pinapag-iisip niya tayo na: “Mas mabuti ako kaysa sa iba. Ako'y importante. Ako muna. “Makagaganti rin ako.” Kailangan kong ipaglaban ang aking mga karapatan. Hindi masama ang magnakaw, basta ba hindi ako mahuhuli. Lahat ay nagsasabi ng mga kasinungalingan, kaya ako rin. Ang maruming mga pag-iisip ay hindi gaanong masama – walang nakakaalam kung ano ang aking iniisip. Malalaswang salita – magandang katatawanan.”
At sa ibang pagkakataon, ikaw ba'y nawalan ng pag-asa na natukso kang mag-isip na, “Wala akong silbi, bakit magpapatuloy pa akong mabuhay?”
Itong lahat ay tinig ng diyablo. Siya ay sinungaling. Kaya gusto niyang gawin tayong mga sinungaling din. Siya'y magnanakaw, kaya ibig niyang magnakaw din tayo. Siya'y mamamatay, kaya ibig niyang mamuhi din tayo sa iba.
Kung pinakikinggan mo ang tinig na iyon, ano ang iyong nararamdaman? Nagpapabuti ba ito sa iyong kalooban? O, hindi, ito'y nagpapalungkot sa iyo. Nakararamdam kang gusto mong magtago. Talagang ganyan si Satanas. Gusto niyang gumawa ng mga bagay sa kadiliman.
Si Jesus, Ang Tinig Ng Pastor
Kilala mo ba si Jesus, ang Mabuting Pastor? Gusto mo bang maging Kaniyang tupa? Gusto mo bang makilala ang Kaniyang tinig?
Oo, magagawa mo, subali't una, dapat mong hindi na pakinggang muli ang isang tinig.
Ngayon, kung tumahimik ka, maririnig mo ang banayad na tinig ni Jesus na tumatawag sa iyong ibigay mo ang iyong buong buhay sa Kaniya. Maririnig mo Siyang nagsasabi sa iyo na magsisi ka at aminin mo ang lahat mong mga kasalanan.
Marahil, minsan sa iyong pananahimik, ikaw ay nag-isip, “Ano ang aking gagawin sa aking mga suliranin at pasanin? Sana'y maging mabuti ako. Sana'y nasa lugar akong hindi na magugutom o magkakasakit kailanman. Ano ang mangyayari sa akin kung ako'y mamatay?”
O marahil ay marami ang iyong mga naisip. lyon ang tinig ni Jesus na tumatawag sa iyo.
Nakararamdam ka ba minsan ng kalung-kutan ng hindi mo alam kung bakit? O ikaw ba'y nalulungkot kahit na hindi ka nagiisa? Magkakaganoon nga dahil sa ikaw ay nalulungkot sa Diyos, Siya na lumikha at nagmamahal sa iyo. Siya ang Pastor na tumatawag sa Kaniyang nawawalang tupa. Siya ay tumatawag ng tumatawag, at naghahanap ng naghahanap sa iyo.
Kung marinig mo ang tinig ng Pastor, sagutin mo Siya. Sabihin mo sa Kaniya na nagsisisi ka sa iyong mga kasalanan. Sabihin mo sa Kaniya ang iyong nararamdaman, at hilingin mo sa Kaniya na iligtas ka. Ito ay pananalangin.
Nanalangin ka na ba sa Diyos ng Langit? Gawin mo ngayon. Maririnig ka Niya at mauunawaan. Ibibigay Niya sa iyo ang kapayapaang iyong inaasam.
Ayaw mo bang maging Kaniyang tupa at makakilala sa Kaniyang tinig? Ibig Niyang maging kaibigan mo. Aalisin Niya ang bigat ng iyong kasalanan. Magiging maligaya ang iyong kalooban. Magiging mapagmahal at maunawain ka rin na katulad Niya. Tutulungan ka Niyang madaig ang iyong mga pagkatakot.
Kahit na ang iba'y magkutya sa iyo sa pagiging isang Kristiyano, alam mo na si Jesus ay magbabantay sa iyo, Manalig kang tutulungan kang manalo ni Jesus.
Ligtas sa mga kamay ng mapagmahal na Pastor, alam mo na sa katapusan ay dadalhin ka Niya sa Kaniyang kahanga-hanga, maligayang Tahanan kasama ng Diyos upang mamuhay na kasama Niya hanggang sa walang hanggan.