Kaligtasan
Juan 10:1-18 Nakarinig ka na ba na may tumatawag sa iyong pangalan at hindi mo alam kung saan nanggagaling ang tinig? O baka bahagya mo lang narinig dahil lubhang napakaingay ng iyong paligid. Makinig, may tinig na tumatawag sa iyo. lKAW! Sino ka? Ano ang pangalan mo? Saan ka nanggaling? Saan ka nakatira? Saan ka pupunta? Alam mo ang pangalan ng iyong nayon. Marahil ay hindi ka pa nakarating kahit saan. Subali’t alam mo na ang inyong nayon ay bahagi ng malaking bansa, at ang lahat ng mga bansa ay bahagi ng malaking daigdig. Ang Biblia Ang Diyos
PAGSISISI PINTUAN NG AWA
Mahal na kaluluwa: Alam mo ba na ikaw ay napatunayang makasalanan sa paningin ng Dios at nahatulang mamatay? Upang makatakas sa ganitong walang hanggang kamatayan at magtamo ng kaligtasan, kinakailangang tanggapin mo ang tulong at habag ng Dios. Ngunit ito’y hindi basta-basta ibinibigay ng walang kundisyon, bagaman ang kaligtasan ay walang bayad at kailanman ay di maaaring bilhin. Ang kundisyong ito ay natitiyak sa isang salita: Pagsisisi. Ipinamimigay—Hindi Pinagbibili