Nang pasimula walang anyo ang sanlibutan. Walang isda. Walang mga bituin sa kalawakan. Walang dagat at magagandang bulaklak. Ang lahat ay hungkag at kadiliman. Subali’t mayroong Diyos, yaon ding Diyos na ating sinasamba ngayon. Ang Diyos ay mayroong kahanga-hangang balak. Inisip Niya ang isang magandang sanlibutan, at samantalang naisip Niya ay ginawa Niyang ganoon. Ginawa Niya ang lahat mula sa wala. Nang gawin ng Diyos ang anoman, binigkas lang Niya, “Magkaroon”, at nagkaroon nga. Ginawa Niya ang liwanag, Ginawa Niya ang mga ilog at mga dagat, ang damo na bumabalot sa lupa, mga hayop, mga ibon, at mga punongkahoy.
“Kapayapaan, nasaan ang kapayapaan sa ating nasyon, ating tahanan at lalo na sa ating puso at isipan?” Ito ang naghihingalong daing na umaalingawngaw mula pa sa kapanahunan. Ito rin ba ang daing ng iyong puso, mahal na bumabasa? Sa gitna ng dumaraming kawalang-kasiyahanat kaguluhan, ninanais mo ba ang katahimikan ng kalooban na nakakahigit sa lahat? 2.Ginawa Niya tayong mapayapa sa magulong daigdig. Pinapatnubayan Niya tayo sa katahimikan ng pagmamahal Niya. 3.Dito naalala ni David ang panahon ng pagkakagulo ng kaniyang isipan dahil sa kasalanan. Pinatawad siya ng mabuting Pastor at ibinalik sa kaniya ang kaligayahan at kapayapaan. Ralph Spalding Cushman
Juan 10:1-18 Nakarinig ka na ba na may tumatawag sa iyong pangalan at hindi mo alam kung saan nanggagaling ang tinig? O baka bahagya mo lang narinig dahil lubhang napakaingay ng iyong paligid. Makinig, may tinig na tumatawag sa iyo. lKAW! Sino ka? Ano ang pangalan mo? Saan ka nanggaling? Saan ka nakatira? Saan ka pupunta? Alam mo ang pangalan ng iyong nayon. Marahil ay hindi ka pa nakarating kahit saan. Subali’t alam mo na ang inyong nayon ay bahagi ng malaking bansa, at ang lahat ng mga bansa ay bahagi ng malaking daigdig. Ang Biblia Ang Diyos
Mahal na kaluluwa: Alam mo ba na ikaw ay napatunayang makasalanan sa paningin ng Dios at nahatulang mamatay? Upang makatakas sa ganitong walang hanggang kamatayan at magtamo ng kaligtasan, kinakailangang tanggapin mo ang tulong at habag ng Dios. Ngunit ito’y hindi basta-basta ibinibigay ng walang kundisyon, bagaman ang kaligtasan ay walang bayad at kailanman ay di maaaring bilhin. Ang kundisyong ito ay natitiyak sa isang salita: Pagsisisi. Ipinamimigay—Hindi Pinagbibili